♥ Tentenenententen!!!! ♥


Thursday, November 30, 2006

Kamon!
Kamon!
Kamusta naman ang araw na ito?!
Kagabi pa lang ay nag-announce na sila ng suspension of classes pero hanggang ngayon ambon pa lang ang dumarating dito samin!!! WTF?! Pero ayos yun, super long weekend kami. Wakokok. May time para gawin ang mga project, article, at magpahinga.
So kamusta naman, ala nanaman ako masabi.
Ay magkukwento nalang ako. I watched the movie SkyHigh this afternoon and it was awesome. Narealize ko tuloy bigla na gusto ko maging superhero! Uu, paramis, I want to save the world! Astig yun oh, kung may super powers ako. Eto ang mga super powers na gusto ko...
>>>Gusto ko makalipad! Para kasabayan ko si Superman at kung sino-sino pang man na nakakalipad! Saka kasi maliit ako, panu yan kung may kalaban ako na malaki?! Pisat kagad ako!
>>>Gusto ko nakakagawa ako ng maraming copies ng sarili ko! Para hindi lang isang tao ang massave ko sa isang moment! Chaka para naman hindi ako palaging haggard pag maraming ginagawa. Balak ko din gumawa ng cheering squad na puro ako lang ang member parang yung sa Sky High...
>>>Gusto ko ng power na nakakapagpasabog ng mga bagay! Parang yung kay Piper Haliwell sa Charmed! Kasi, kung may super strength ka lang, kailangan ng direct contact sa kalaban... eh maikli mga arms ko - panu yun diba? At least kung nakakapagpasabog ako ng mga bagay sa pamamgitan lamang ng pagbukas ng dalawa kong kamay, kahit long range yakang-yaka.
Yun nalang siguro muna. Baka kasi ako ang maging pinakasikat na superhero kung napakadami kong powers. Nakakahiya naman sa iba diba... Ayoko nga pala ng may sidekick. Kasi I believe in equal rights and all that crap. Pagdating naman sa costume... Ayoko ng tights and leotards. Gusto ko yung parang sa Sailor moon, palda para gurlalush. Pero nakaleggings padin syempre para nasa uso saka para di masyadong exposed ang mapuputi kong legs. Saka duh, dyahe naman kung tuwing tatalsik ako dahil sa pwersa ng kalaban ko eh lumalabas pwet ko. Ayoko naman ng may gloves at chaka nakaboots, maaalibadbaran lang ako dun sa mga yun. Gusto ko chucks na super high cut, mga 4 inches below the knee. Pero parang pangit pag ganun. Basta bahala na sa shoes. Sa color combination naman ayako ng pink and white, too girly. Ayoko din ng black, too hard core. Siguro violet nalang at... Hmn... Di ko alam. Dapat mag hanap ng superhero costume designer.
*Notice
Kung sino man ang makakapagbigay ng magandang design ng superhero costume na bagay sa mga super powers ko, magcomment nalang kayo at mag-iwan ng contact number.
Basta...
Gusto ko maging superhero.
At pag nangyari yon...
Kikilalanin ako ng buong mundo bilang si.....
Superjizew!!!!!!

Foxy
5:16 PM

|

♥ Nakanang. ♥


Monday, November 27, 2006

Kamusta naman ako?!
Ala nanaman ako magawa at maisip na maisulat, pero andito ko at pinipiga ang aking utak para lang may silbi ang aking blog.
Eh kasi naman noh, ala naman nangyayari, at kung mayron man, I don't feel like sharing it with whoever reads my blog. Kamon, anung sense nun diba? Pero ala eh, ganun talaga ang aking pag-iisip.
Eto nalang.
Alamu kasi, nag-edit ako ng profile ko sa friendster. Dinagdagan ko sya, di ko malaman kung bakit eh napaka tamad ko pagdating sa ganun. Kung anik-anik na drama ang sinulat ko dun.
Sabi ko.... Eh... Eh.. may friendster account naman kayo eh, tignan niyo nalang. Aheheh. Ala lang, as we grow up kasi(nakanang may ganung factor!!!) we realize some stuff about ourselves. At ayun, andami ko lang narealize these past few days about myself, and I just thought of sharing it to the whole friendster community. Kamon, so much drama, so little time.
Speaking of never ending drama, jusme, naisip ko nanaman kanina ang paparating namin na graduation, anak ng tipaklong, the butterflies in my spindicate huh. Nakakaloka kasi. Alamu yung feeling na shet, gusto ko na grumaduate, pero shet, ayako iwan ang aking friendshipliness! Ganun sya eh. Sobrang contradiction to the highest level up. Kamon.
Ang ganda ng topic namin sa english kanina. We read a selection written by Maureen Daly and it is about... it's about a girl who went skating with a boy. They laughed, they had fun, the boy even took her home... it was all so lovely. The boy said "I'll call you" before he went his way. But five days came and went, and still no phone call. Hay jusme, ibang level yung pagkainvolved ko sa klase kanina, todohan talaga. I bet I looked like a total fool dun sa mga nakakaalam kung baket. Wakokok. Ala lang, ganda nung selection, may lesson na kapulot-pulot. May line pa dun na fave namin ni Galiemee eh...
"My heart still prays, but my mind just laughs."
Nakanang diba.
At eto, as an end to this pathetic post, yung last lines nung selection.
Isipin niyo nalang ako nagsasabi nun...
"All of a sudden I know. I know I can sit here now forever and laugh and laugh and laugh while the tears run salty in the corners of my mouth. For all of a sudden I know, I know what the starts knew all the time - he'll never, never call - never."

Foxy
10:03 PM

|

♥ ♥


Friday, November 24, 2006

Our first official school newspaper has finally come out!
Every student in SFAC is now an owner of the Franciscan Standpoint which we, the staffers, worked hard for!
C'mon! C'mon!
I'm so happpppeeeeeee....
Nasa front page pa yung isang article ko.... Yeah ba....
Wakokok...
Sarap ng feeling na nakikita mo yung pangalan mo sa dyaryo; lalo na yung feeling na nakikilala ka ng lahat dahil sa sinulat mo... Nakanang. You know what? If things doesn't go well in the theater industry for me, I will really consider being a magazine writer. Ayos yun, Editor in Chief of Candy Magazine...... Ang tayog ng pangarap...!!!! EIC kagad! Aheheh... pero saya talaga.
Here's to.......
The Standpoint!
{^_^}

Foxy
7:11 PM

|

♥ Iswak na Iswak ang ISWAK!!!!! ♥


Tuesday, November 21, 2006

Iswak na iswak.
Saktong-sakto.
Sulit na sulit.
"It started with a kiss" is the next best thing to "Meteor Garden"!!!
I finished watching the entire series yesterday, and I've gotta tell ya, I've got a major ISWAK hang over! it's all I've been thinking of all freaking day!!! Grabe ang ganda ng ending, nakakaloko! Pare, amporma talaga. All that one could wish for in an ending is there..! Yung kilig factor, yung comedy, basta lahat nandun na! Astig talaga. Kalevel sya talaga ng Meteor Garden. Alamu yon, may mga scenes na gusto kong balik-balikan sa sobrang astig. Galing ng cast, ganda ng kwento, the best ang soundtrack, talagang one for the books ito.
Napaisip nga ako bigla dahil sa series na ito eh. Ang swerte kasi nila, nakita kagad nila yung taong meant for them, they didn't have to look any further because deep in their hearts, they knew that that person was "The One". Ako kaya? Panu naman kaya ang lab istori ng bohay ko? Kamusta naman ako, nababaliw nanaman. Ate mais is right, I AM a hopeless romantic.
May isa pa akong naisip eh. Sa sobrang ganda ng soundtrack nentong ISWAK, napaisip ako, paano kaya kung ang buhay natin may soundtrack? Alamu yun, pag nagmomoment ka, o kaya nagsasaya, bigla nalang may tutugtog sa background? Astig yun oh. Lalo mong mafifeel yung gravity ng bawat moment. Stig nga kanina eh, hiniram ko phone ni Kris, nakinig sa soundtrack ng ISWAK tapos I had a sudden urge to reminisce - yung mga napagdaanan ko sa SFAC, yung mga moments namin ng tropa... mga ganun. Music is the language of the world talaga. Malay ko ba kung anu ibig sabihin ng mga kanta sa ISWAK, basta alam ko, it tugs my heartstrings to the hayest lebel pare. Hehe.
Nak ng hippopotamus, love talaga oh. Ewan ko ba kung bakit lakas ng epekto sakin nun. Takte.
Here's to love y'all!!!!
And the writer of It Started with a kiss!! You're the best!

Foxy
8:53 PM

|

♥ ...Kwento-kwento... ♥


Friday, November 17, 2006

Hay nakaw!!!!
Whataweek.
Alamu ba, pinalitan na ni Mam Cherry kahapon ang cheating arrangement namin!!! Nakakainis. I miss Joy and Ana na!!! Sa harap ako nakaupo, sa dulo, yung sulok ng classroom bale - kung saan napaka init at ma-chalk. Okay naman ang kinabukasan ko dahil "team" daw kami pag may test. Chaka katabi ko si Galiemee, eh generous naman kami sa isa't-isa sa mga panahon ng kakapusan sa sagot. Wakokok. Ang nanganganib lang ay ang timbang ko dahil pare-pareho kaming alang mga pagkain sa lugar na yon. Di tulad dun sa lugar ko dati kung saan parang canteen lang pag gutom kami. Tapos, tapos, alam niyo ba, may isa dun sa anim na nakapaligid sakin na MADAMOT sa pagkain. Nakakainis eh. Itago natin sya sa pangalang..... "Doon". Kasi, nung umaga palang tinanong ko si Doon kung may food-to-share ba sya, sabi nya oo, edi ako naman excited na mabigyan ng food. Eh maaga pa nun kaya naisip ko nalang hintayin kung kelan nya ko bibigyan. Tapos, tapos, after ng break, tinanong sya ni Kath kung nasan yung food nya, ang sabi ba naman ni doon nakain na daw nya! Ang walang hiya! Hindi man lang namigay! Tsk. Nainis talaga ko. Eh may quiz sa Physics kanina. Tinanong nya ko kung nag-aral ako, sabi ko oo, tapos tinanong ko din sya, sabi nya "medyo lang". Tapos yung tono ng boses nya, yung parang gusto nya sabihin na pakopyahin ko sya. Sa sobrang inis ko dahil di nya ko binigyan ng food, naisip ko na di ko talaga sya papakopyahin. Pero dahil ako'y isang mabait na bata, sinagot ko din yung isang tanong nya nung test. Sana pala minali ko ang madamot na doon na yon. Argh. Pag ako talaga nagbaon ng food, maglalaway lang sya dahil di ko sya bibigyan. Argh. Sasabihin ko sakanya na ubos na habang kinakain ko pa. Bwahahahahahah!
Homaygolay, bukas na ang bigayan ng card for the second quarter. Kaluka. Kinakabahan talaga ko kase bumaba ako sa Social at Fil. Ewan ko ba. Basta kahit top ten lang okay na. hay nakaw. The nerves, the nerves.
Gumala ngapala kami kanina. Okay lang, masaya din, bonding kami ni papa Leaster, kwento-kwento sya tungkol sa mga babae sa buhay nya. Natuwa nga ako ng maige sa kanya eh, ang kulet nya kasi magsalita, tamang lalaki talaga. Ahehe. Nakakaaliw sya magkwento. Natuwa din kami ng maige ng makita namin ang puting panty ni Momy Dhei at black na brief ni Mark. Mahabang kwento. Ahehe. Mga kabaliwan talaga naming lahat.
Ahm...
Yun lang eh...
Wish me luck for the top ten!!!!

Foxy
9:27 PM

|

♥ It's a giirl thing!!! ♥


Tuesday, November 14, 2006

Enough with my rants about being a senior.
I want to confess something.
We didn't do a single thing in our standpoint session today.
Instead, we talked about.....
Uhm...
Boobs.
Hahahah!
I swear! We really talked about that..! And a lot of other things that we personally feel is relevant! Like...... our expenses being a student, Joanne, when we had our menstruation, and more boobs. It was really interesting and fun! Super girl talk talaga.
Yung sa expenses, eh kasi naman, puro compulsory na ticket!!! eh dang mamahal! As in namumulubi na kami! At yung quarterly exam namin sa THE last quarter, bayong na 200 pesos! San ka pa?! Kaya ayun, si Cez, kasama ang iba pa nyang riendshipness, nag-oorganize ng rally. Hehe. Kami, nag-oorganize ng cheering squad para sa kanila. Hehe.
Yung sa boobs naman kasi, ewan ko ba kung pano napunta dun yung usapan, basta bigla nalang mga kaboobahan ang pinagusapan namin. We got to enumerate some of our friends who are super "gifted" when it comes to the boob department(I am SOOOO not one of them) like... Ahm, wag nalang pala, mahalay. Hehe. Napagusapan din namin kung bakit yung iba chubby pero alang boobs tapos yung iba payat pero laki padin!!! Tapos jusme, si Kriselda, palibasa kasi dang gifted, nashock ng maige ng narealize nya na aba'y ala pala kong boobs. As in ilang beses nya tinitigan yung boobs ko at kulang nalang ay hawakan nya para malaman kung ala nga talaga. Juskopo talaga. Nagbigay din sila ng mga tips sakin para mapalaki yung boobs ko, yung iba mukang baliw, yung iba mahalay, pero di naman ako desperado na maging kasize ng boobs si Ruffa Mae Quinto. Bigat-bigat ng may bitbitin kang ganun kalaki eh. Hehe.
Si Joanne naman, ala lang, super dang conservative kasi nya. As in para syang galing sa panahon ni Maria Clara. Eh wala lang, parang di na proper yung ganun kaconservative considering yung times natin ngayon.....
Yung sa menstruation, nakakaaliw kasi nagshare kami ng mga experiences namin nung una kami nagkaron. Si Angela sumigaw ng makitang may blood, si Alyssa umiyak, at si Clah nanigas sa tabi ng pinto ng classroom namin nung second year. Hahaha! Ako naman, naaliw ako masyado sa napkin, isang pack yung naubos ko sa loob ng isang oras kasi di ko alam na kailangan pala na puno na bago ko palitan. Hehe.
Anak ng cellphone, may nagpatype sakin as in now lang, kainis, hirap kausap, pacute pa masyado, feeling naman nya interesado ako. At feeling ko underpaid ako considering inistorbo nya ang aking pagbblog at minadali nya ko. Mga tao talaga oh.
Anyway, nagenjoy talaga ko ngayong araw. Ewan ko kung baket.
Hehe.
Here's to boooooobs!!!!!

Foxy
7:50 PM

|

♥ Ligaw. Sira. Baliw. ♥


Monday, November 13, 2006

Being a senior officially sucks.
I mean really, can a teen get any more lost?
My studies are quite okay, I'm stressed about it every now and then but it doesn't really get to me that much. What bothers me most right now is the bigger picture - my future. What school should I go to? What school CAN I go to?
I really am so lost right now.
My parents say that I can go to any school that I want, but I know how that's a big lie.
First of all, I have to consider the tuition fee. Of course, we can't afford a school that's too extravagant - but that's okay, I get that. However, I wouldn't want to study in a super low class school either: my mom says that I'll excel in that kind of school - that's for sure - but then, there wouldn't be a challenge in my part! I want a school where I can prove that I can still shine even when there are hundreds of us. I want a school that can give me the recognition that I deserve.
And second, I have to consider the place. Let me tell you something: a few weeks ago, I was super convinced that I want to go to UST for college - It's nice and big, I heard the masscomm course is good there, and sooo many cute guys.. Then, me and my mom had this talk, and she made me realize how hard it will be if I go there. Malayo, nagbabaha(yuck), at mahal..... naniwala ako. Ayun, back to square one ako.
Ngayon naman, gusto ko na talaga mag St. Scho. Kasi una: maganda daw ang mascom dun, pangalawa: mas mura dun kesa USTe, at pangatlo: mas malapit pa! It's the perfect school for me! Pero nung sinabi ko sa nanay ko, ayun juskopo, nakahanap nanaman ng excuse para di ako dun mag-aral. Mahal daw(san pa ba ang hindi mahal ngayon?!), baka daw maculture shock ako parang mga kuya ko(duh - dalawa na silang naganon, gaano ko katanga para tularan sila?!), at gusto nga daw niya kasi magexcel ako sa school ko, tamang may edge na daw ako(so bale, you're saying I can't handle the St. Scho girls?!). Ay nakaw talaga. Wala na, hindi nalang ako mag-aaral. Nakakainis lang. Nakakafrustrate kasi parang kulang na lang sabihin nila na sa St. Francis nalang ako magcollege. Alamu yon?! Nakakainis talaga. I mean, I have nothing against SFAC, I love my Alma Mater, kaya lang diba, gusto ko naman makarating sa ibang lugar! Makakita ng ibang tao! Eh anak ng balyenang buntis, kung dun ako, oh kaya kung within this area lang, ganun din, same people, different uniform. Inis.
Ewan ko. Ewan ko na talaga. Sabi ng mga tropa ko, saamin daw lahat, ako daw siguro pinaka magiging succesful - kasi masipag ako at matalino. Pero jusme, sa sitwasyon ngayon, parang ala na, wasak ang kinabukasan ko. Anak ng..... Hay..... Kamusta naman yun?
Ewan ko. eWAn Ko nA TaLAGa... NabABaLIW........ nABaBaLIW....%(*&453fUYhKJHIM,13413jl";',.............................

Foxy
10:21 PM

|

♥ *toot* ♥


Tuesday, November 07, 2006

You know what I realized today?!
There are just too much j*rks in this world!!!!!
I mean really, those assh*les are everywhere.
Everybody's bound to know at least one of them.
But you know what else I realized?
First, we shouldn't let those imbeciles get to us.
And Second, we shouldn't get mad. We should get even.
Those son-of-a-b*tches have got another thing coming if they think were just gonna sit here and do nothing as they ruin our reputation, trample on our hearts, and play with our lives.
They are so freakin' wrong.
They don't know us.
They don't know me.
I'm nice and sweet when I want to be, but I can turn into a heartless, frigid, b*tch just like that.
And not just me.
All my friends are like this.
Just wait and see.
They're gonna regret this.
The ice queen has come back from the north pole.
Yeah baby.

Foxy
7:12 PM

|

♥ Sa ngalan ng pag-ibig at pagmamahal! Ako si SUPERJIZEW! ♥


Monday, November 06, 2006

Okay.
Fine.
I admit.
Ako'y nagkasala.
Sa aking sarili at sa aking unan na pinagpangakuan ko.
Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa.
I have my reasons though!!! Kasi, I wanted to make a point, to make the person know something. Kaya ko nagawa yun. Pero Batman, Spiderman, Superman, Suman, mga likas na yaman, at lahat ng man, di ko na uulitin yun! Paramis! As in hindi na!!!!!!!!!!!! Dahil kapag ginawa ko yun ule, mabibigyan ko si TenTen ng siomai! Eh ayako sya bigyan ng siomai kasi gusto ko pag bumili ako ng siomai ako lang ang kakain! Ako lang!
AKO!
AKO!
AKO!
Dahil isa kong matakaw na bata...!
Pero alam nio ba.... Sabi ni Papa Dolot my Labs, pumapayat na daw ako! Pero kasi anu eh, tanghaling tapat nun at busy sila sa props, kaya feeling ko naghahallucinate lang siya. Hehehe. Anyroad, iniisip nyo siguro kung panu ko malalayo ang sarili ko sa temptasyon. Ako din iniisip yun eh. Pero dahil nagbasa ako ng mga testi ko sa pendster, alam ko na! Kakariren ko nalang ang pagiging Ms. Cupido! Alam niyo kasi anu eh, aking napagtanto na hindi lang ako ang tao sa mundo, madaming iba pa na naghahanap ng pag-ibig at pagmamahal. At dahil ako ay madaming natutunan sa chapter 26 ng "Maganda Pa Ang Daigdig" ni Lazaro Francisco, gusto ko ipamahagi iyon sa sambayanang universe.
Gusto niyo ba ng sample???!!!!!!!!!
Gusto niyo???!!!!
Osige, dahil kayo ay mapilit.
Payn.
Eto ang ilan sa mga natutunan ko......
"Ang puso, hindi ang may puso ang pumipili ng mamahalin nito..."
(nakanang, nakanang!!! Umaariba!!!! Meron pa!!!)
"Mayroong pagmamahal sa lahat ng pag-ibig, pero hindi lahat ng pag-ibig ay may pagmamahal..."
(oha! oha! Where you pa?!)
"Sasama ba ako sayo kung di kita mahal?"
Yes!!! Todohan na! Pero anu eh, actually, sa likod ng isang pedecab(si kla ang nagpauso nyang bisaya ng pedicab! Hindi ako!) ko sya nakita. Ang kulit noh? Ang sweet ni manong driver ng pedecab. Wakokok.
Oh ilan yan sa mga maririnig nyo sakin kung manghingi kayo sakin ng advice tungkol sa lablayp!!!
Basta.....
Kung ikaw ay sawa na sa paghihintay sa kanya.....
Kung ikaw ay pagod na sa pag-iyak dahil sa pag-iwan nya sayo...
Kung ikaw ay desperado ng magkakafafa kahit pangit.....
Lumapit lang kayo sakin!!!!!
Just dial 143-kupido at darating ako!
O kaya naman ay sumigaw lang kayo ng 'SuperJizew'!!!!
Ang mga pana ko ay para lamang sa inyo!!!!!!
And remember:
Kapag tumibok ang puso.... wala ka ng magagawa kundi sundin ito.....
Here's to love y'all!!!!

Foxy
5:13 PM

|

♥ Part two...... ♥


Sunday, November 05, 2006

Note:Please read my previous entry as this is only a continuation of that...
Thanks a bunch!!!!!!
My notebook says:Mrs. Ryan Gosling

You can kiss me anytime!!!!

Jen Garner couldn't handle the competition! He's mine!


Mean guy or not, he's HOT!

So you guys think I can get these guys to like me???!!!
You bet I can!!!!
So many guys......
So little time!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Foxy
9:47 AM

|

♥ Fun, Fearless, Female!!!!!!!!!!!!!!!!! ♥

Last night, I did something...... new.
It took a lot of courage for me to be able to do something like that, I risked A LOT(my pride and sanity mostly), and yet I was able to do it. Unfortunately though, life isn't all bunnies and butterflies; every now and then you come across some dragons and werewolves too. But you know what? Even if things didn't go as I planned(plan went down the drain completely), I'm okay with it. You see, I was tired of dreaming things, just sitting there and waiting for things to happen. So I made it happen. As I said, it was a bust. Pffffft. But at least now, I wouldn't have to wonder what could have been. I know that I did what I could. And at the end of the day, isn't that what matters most? I'm sure Candy, Cosmopolitan, and all those other kick-ass female magazines would've been proud. Why? Because I've just proven that I'm a fun, fearless, female - something we all aspire to be. So as an official end to this chapter and a start to a new one, I've decided to put my new prospects here in my blog to for you guys to see......
Here they are, my favorite eye candies!!!
Can a pirate get any hotter?!?!
The boy who will live in my heart forever....

He's super funny and adorable!!!

Meron pa!!!! Meron pa!!!!!

Foxy
8:32 AM

|

♥ Let's get korny people!!!!!! ♥


Friday, November 03, 2006

Let me tell you something. I have attempted to write about something, anything at all, this sembreak and I always ended up not continuing or writing something close to crap. Why? Well, I have a theory, and that is, because I'm highly infatuated. Yes, my kikayness has come back to haunt me. You all know what i'm talking about, that restless, annoying feeling that can only be brought about by a specie of another sort - the male sort. I figured that out because about 2 hours earlier, I tried to write something, and unsurprisingly, crap came out, but as I listened to "Panalangin" (sung by Moonstar 88) and "Breaking Free" (from the movie High School Musical) I had a sudden urge to write, write about something that actually makes sense, hindi yung puro camplaints lang at kwentong boring naman. Eh jusme, ang kakornihan ko, 'kanta' ko yun sa isa sa marami kong crush, kaya nagliwanag ang mundo ko, bumukas ang kalangitan, at ngumiti ang mga ibon sa iskay. Ayun, ngayon, ang ganda ng mood ko, mukang tanga lang. Wag ka ng umasa na mababasa mu dito ang pangalan ng crush ko, dahil ala akong balak gawin yun, not in a million years. Hay nakaw talaga. Ipopost ko sana ang mga lyrics nila dito, makikigaya sa ibang bloggers, pero tinatamad ako, at masyado silang mahaba eh alam ko namang kabisado nyo nadin yon. Kaya wag nalang. Wakokok.
"We're breaking freeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee!"
"Panalangin ko sa habang buhay, makapiling ka, makasama ka, yan ang panalangin ko...."
Haaaaaaaay...
Couldn't help it.
I'm a sucker for getting kilig.....
weeeeeeeeeeeeeeeeeee.

Foxy
3:29 PM

|

♥ ♥


Thursday, November 02, 2006

It's Thursday.
3 days to go before I go back to school. Fact is, I don't want to come back to school just yet. I'm having waaaaay too much fun just lying around all day, watching DVDs, and eating my heart out.
My sembreak's going quite alright, interesting things happening here and there.
One of them being my favorite teacher of all time, Mr. Raymond Escribano, looked me up on friendster! He's on my who's veiwed me list! Well of course I emailed him right there and then and added him as a friend! Gosh, I miss him so much. He has a family now and I just gotta say, his baby is way cute! I was kinda hoping we'd see him on our Graduation day, but seeing as his life over there is okay already, I doubt that.
Another one of those interesting things is..... well.... never mind that.
Hmhmhm.
Ano pa ba?
Ahm...
Oh!
Kahapon.... nagbura ko ng mga tao sa phone book ko.
Mga taong wala na akong balak itext.
Mga taong wala nang silbi sa buhay ko.
Mga taong hampaslupa na hindi ako tinitext.
Yeeeeeeesssss..
Napaka drama ko talaga.
May mga times kasi, diba, na gusto mong itext yung mga tao sa nakaraan mo?
Mga tao na hindi naman magrereply at pagmumukain ka lang tanga?
Yun.
Eh I just needed a way to stop myself from texting those kind of people.
So I erased them. From my memory. Or at least my phone's memory.
Isang tao lang ang binura ko pero tinago sa notebook ang number...... At yun ay si..........
Hehehe.
Kasi naman, kasi naman.
Hay nakaw....
Later y'all.

Foxy
5:52 PM

|

The Butterfly

I'm a Girl. A big one.
{^_^}

My Friends

The charmed ones
The justice league
The powerpuff girls
The supeeer friends(weeee!)

zyrah joy kirstin monica joanne

The Past

September 2005
January 2006
February 2006
March 2006
April 2006
May 2006
June 2006
July 2006
August 2006
September 2006
October 2006
November 2006
December 2006

Credits

Layout by Alwy
@ Like A Queen

Counter

paste your counter code here